Anim na pulis ang nasaktan matapos magkagirian ang mga pulis
at Ang mga militanteng nagprotesta ng anti-Trump habang sinisikap ng mga
nagprotesta na lumapit sa lugar ng Philippine International Convention Center kung
saan ginaganap ang pagbubukas ika-31 ASEAN Summit, Lunes ng umaga.
Sabi ni National Capital Region Police Office chief Director
General Oscar Albayalde “anim na pulis ang naipadala sa ospital dahil ang iba
pang mga opisyal ay nagdusa lamang ng maliliit na pasa”.
Hinimok niya ang mga nagprotesta na huwag naman maging
malupit at mapangahas.
“Ang sabi nga ng ating pangulo, they can protest with or
without any permit, pero hindi naman sinabi ng ating presidente na they can
protest with violence. Yun lang naman ang pinapakiusap natin sa kanila,”.
Nagkagirian ang mga pulis at militanteng grupo sa Taft
Avenue sa Manila habang sinisikap ng mga nagprotesta na lumapit sa lugar ng
summit sa Philippine International Convention Center.
0 comments:
Post a Comment