Binabalaan ng DTI o Department of Trade and Industry ang mga establisyemento na huwag samantalahin ang sitwasyon ng pag taas ng presyo sa mga bilihin dahil sa batas sa reporma sa buwis o Tax Reform for Acceleration Inclusion (TRAIN), at hinimok ang publiko na magbigay alam sa mga pamilihan at supermarket na magpapataas sa mga presyo (ng mga kalakal) na lampas sa mga makatwirang antas.
Bagaman ipinatutupad na ang Train law, sinabing maaaring hindi pa magtataas ng "Suggested Retail Price" o SRP ang DTI lalo na sa mga produkto na hindi naman malaki ang magiging paggalaw sa halaga.
Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez dati na maaaring kasuhan ang mga tindahan o ang mga negosyante na magtataas ng presyo na sobra-sobra sa SRP, lalo na't hindi pa nagkakaroon ng impact sa presyo ang bagong buwis.
Maaaring kaharapin ng mga negosyong ito ang kasong "profiteering" sa ilalim ng Price Act, o ang pagbebenta ng basic o prime commodity na sobra-sobra sa SRP.
Sinabing may "prima facie" na kaso ng profiteering kung halimbawang lumagpas sa 10% ang taas ng presyo ng isang produkto mula sa nakaraang buwan.
May P20,000 hanggang P1 milyon na multa at maaaring makulong hanggang 15 taon ang isang may kaso ng profiteering.
Para sa mga reklamo, maaaring tawagan ng mga mamimili ang DTI hotline sa 751-3330 o bisitahin ang kanilang website.
0 comments:
Post a Comment