Nagpost ng mga maaanghang na tirada sa kanyang Facebook account si Davao City Mayor Inday Sara Duterte para sa grupong “Tindig Pilipinas”. Tinawag niya ang grupong ito na “Hunger Games Pilipinas”.
Sa FB post ni Mayor Inday Sara, inalala niya kung paanong nakiusap ang tatlong senador na sina Sen. Risa Hontiveros, Sen. Antonio Trillanes at Liberal Party President Sen. Kiko Pangilinan para tulungan sila noong nakaraang eleksyon.
Kiko Pangilinan- Several years ago nagkita tayo dito sa Davao, sa isang golf club, pinuntuhan mo si PRD. Gusto mo tumakbo Presidente, ansabe mo?
"With Sharon's indorsement and your (PRD) indorsement I'm sure I can make it."
Dati pa-indorse ka sa kanya ngayon may pa hunger games salute effect ka!
Risa Hontiveros - Sa picture ikaw ang pinaka makapal ang foundation acheng. Habang tinutulungan ko si PRD at ang nanay ko mangampanya, nasa byaheng Du30 ako, ilang beses mo ako inabala, kinulit at tinawagan para humingi ka ng tulong sa boto mo sa Davao City? I can remember your bored face listening to me in our law office just so you can get support for Davao.
Trillanes - Years ago, nagrequest ka makipag kita sa akin dito sa Davao, nasa Damosa ka, ano sabi ko sa emissary mo? No. You know why? I never liked your circus sa Manila Peninsula. Pero meron ako picture na nakipagkita ka kay PRD kasi humingi ka ng tulong niya sa VP campaign mo!
VP Robredo - I'll reserve my remarks kasi sabi mo naman hindi ka member ng Hunger Games Pilipinas.
Lahat daw ng mga nabanggit ni Mayor Inday Sara Duterte ay personal knowledge at hindi tsismis. May mga witness pa raw siyang puwedeng magpatunay nito.
“Matanong ko lang, nung mga panahon na humingi kayo ng tulong, May isyu ba kayo sa governance ni PRD? Wala! Ngayon na nanalo na siya? Meron! Hunger Games, Pilipinas: Plastic na, oportunista pa! Kayo 3 may ambisyon mag Presidente.
I grew up in politics, mas matagal pako sa pulitika kesa sa inyo 3 combined. I smell ambition a million miles away. Akala ninyo yung circus ninyo ngayon magpapanalo sa inyo sa 2022? Hindi!
Ano ititindig niyo? Paninindigang Trapo!
Mamuyboy ko? (I susumbat ko sa nyo?) Yes! You don't use PRD whenever convenient para sa pulitika ninyo! Kung wala ang boto ng Mindanao, mananalo kaya kayo?!
0 comments:
Post a Comment